As expected. 1am pa lang gising na ako, ready na sa pagpunta sa Clark Freeport Pampanga... dapat Saturday pa lang ng 11pm e sasakay na ako ng bus papunta ng Baguio just to make sure na hindi ako male-late sa karera... Galing sa amin, dumiretso na ako ng Cubao para sigurado... pagpunta ko sa Victory Liner, 5AM pa daw ang first trip papuntang Dau...Ha??? 5:45AM ang karera! Dyan ka na... Thank u na lang.... Naghahanap ako ng ibang bus station nang biglang umambon! Patay! me ubo pa naman ako... D bale the show must go on! Ang dilim pa naman ng mga overpass sa lugar na to... iniisip ko na lang kung anong gagawin ko kung sakaling me tarantadong lumapit sa kin... kung maiiwasan e di iiwas pero pag naipit, clash na lang... Swerte ko naman me isang ordinary bus na biyaheng Dagupan.... naiinip na ako e kasi baka malate ako... Hinto dito... Hinto doon... Ano ba? Gusto ko na makita ung Cloverleaf sa Balintawak! Sa wakas umandar na rin at mabilis na binagtas ang NLEX! Wala pang alas 4 eh nasa Dau terminal na ako... aus! Almusal muna ng konti, tanung-tanong sa mga driver... kaya lang mali yata kasi ung mga gago, inaalok ako na ihatid sa Clark gamit ang van nila for P400! Huh? Akala kasi nila sa mismong Airport ako pupunta! Panay ang dikit at panay ang tanong sa kin ng mga lintik! Finally, nakita ko ung dalawa na tinitingnan ung mga race kits nila ng New Balance... sabi ko me kasama na ako... Inihatid kami ng tricycle sa mismong terminal ng jeep na papasok ng Clark... ang ganda na nang upo ko katabi ung driver nang magkaroon ng komosyon! Isang lalaki ang gi-nangbang ng 6 na lalaki... ang dahilan, kasama niya ung gf nya na binabastos nung isa sa 6, natural, pinagtanggol ni Dudung si Enday! Aun, tinawag ang mga kapamilya nya na hindi naman nagsisi dahil nag-enjoy sa kakasuntok sa kawawang lalaki.... mejo nahinto na rin kasi umiyak na ung babae... Aun pagkatapos namin nanood ng sequel ng pelikulang "Lumaban ka itay" eh tumulak na rin kami... pagdating sa venue, ang dami nang tao! Unang umalis ung mga 25K runners at after few minutes, sumunod na kami... Pagpasok pa lang ng chute i made sure na hindi ako sa huli, nasa pangatlong hilera ako... sarap pakinggan nung pagputok ng baril at sigawan ng mga tao! Simula na ng takbuhan at ubusan ng hangin! Sinimulan ko sa mabagal na pace ang aking pagtakbo... wala pang isang kilometro, naramdaman ko na tumitigas na ang binti ko pero sige pa rin... Nangako yata ako na kahit anung mangyari eh ndi ako maglalakad! nasa 2nd kilometer na ko nung sumpungin ako at naisisp ko na maglakad kaso nakita ko na ung water station! Ahhhhh! OASIS! lalo akong ginanahan kasi wala pang 60 ang pabalik, ibig sabihin baka nasa Top 300 ako! un naman talaga ang goal ko eh at isa pa kunin ng isang oras kundi walang DOTA isang buwan...Grabe ang facilities na ibinigay ng sponsor kaya i'm sure na maraming natuwa! Umulan ng mineral water, energy drinks, saging, cereal at fruit cocktail sa karera... pagkatapos, me mga PT pa na tutulungan ka pang magrelax ng mga pagod mong muscle... Sulit talaga ung pagpunta ko... Ang inaantay ko na lang eh ung resulta...
Currently listening to: sitti
Currently feeling: amused