November 11th, 2009
Sugal
Noong nag-aaral pa ako sa College, natutunan ko sa aking klase na Finance ang mga katagang "calculated risk". In simple terms, ito yung pagsusugal at pagpusta sa llamado. Yung pagsabak sa giyera na may malaking chance na manalo ka.
Kung iisipin mo, lahat ng ginagawa natin ay sugal. Yun pagtawid mo sa kalsada, kung kakain ka ba o matutulog na lang, yun desisyon kung papasok ka ba sa skul o maglalaro ka na lang ng dota, pati yung pagsisimula ng negosyo, lahat yan sugal sa buhay.
Maka ilang beses na rin ako sumugal sa buhay ko. kadalasan, talo. yun nga ang sabi sa statistics, 9 out of 10 businesses ay nagsasara, totoo yun. Pero that does not stop you on trying. e pano kung eto na yung 10% na chance mo para mag succeed, dapat hindi mo palampasin.
Merong panahon sa buhay ko na kinailangan ko ng pera, syempre nangutang ako sa mga kakilala ko. hindi ko nga alam kung natatandaan pa nila na may utang ako sa kanila. Ginamit ko yung pera na yun pansugal. Ang problema, hindi ko ginamitan ng computation for calculated risk. hindi ko pa kasi natutunan yun nun panahon na yun. nun pinag-aralan ko yun endeavor, lumalabas na 1out of 89,785,745,416 ang chance ko na mag succeed. huli na ang lahat nung nalaman ko yun. at hanggang ngayon, hindi ko pa rin sila nababayaran.